Mga opisyal na naglabas ng video ng Rescue operations sa Kuwait na nagresulta na ng sigalot sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait, paiimbestigahan sa Senado
Desidido ang mga Senador na papanagutin ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs o DFA na nasa likod ng kapalpakan at naging dahilan ng gusot sa bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Nauna nang nagalit ang kuwait sa Pilipinas matapos ang rescue operations sa ilang minaltratong OFWs doon na ipinost pa sa Facebook ng mga taga-DFA.
Ayon kay Senador Nancy Binay, maghahain sya ng resolusyon para paimbestigahan ang isyu at hindi na maulit ang mga katulad na insidente.
Nababahala si Binay na kapag tumindi pa ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait, apektado nito ang mahigit 260,000 na OFWs.
Senador Binay:
“Somebody needs to be held accountable. We are facing a big problem because 260,000 of our countrymen are still in Kuwait”.
Hinimok naman ni Senate President ang mga opisyal ng gobyerno at sektor na huwag gamitin ang isyu sa pamumulitika.
Mahalaga aniya ngayon ang sinseridad ng gobyerno sa pakikipagdayalogo sa kuwait para masagip ang libu- libong OFW na pinangangambahang mawawalan rin ng trabaho sakaling lumala an tensyon.
Pero iginiit ni Pimentel na habang inaayos ang relasyon sa Kuwait, dapat rin aniyang tigilan muna ang pagpost sa social media.
Naniniwala si Pimentel na maayos rin ang relasyon ng dalawang bansa gaya nang nangyari sa South at North Korea.
Senador Koko Pimentel:
“I am inspired by the Korean example. If, after a full-blown war and decades of tension, two countries can make peace, what more two countries that have always enjoyed good relations and have strong economic ties? The Philippines and Kuwait need each other”.
Ulat ni Meanne Corvera