AMLC officials, nag-courtesy call kay Chief Justice Peralta
Nag-courtesy call kay Chief Justice Diosdado Peralta ang mga opisyal ng Anti- Money Laundering Council (AMLC) sa pangunguna ng Executive Director nito na si Atty. Mel Georgie Racela.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, isa sa mga pinag-usapan sa paghaharap ng punong mahistrado at AMLC officials ay ang pagbuo ng komite na magrerebyu sa Rule of Procedure sa mga bank inquiry o examination ng deposit at investment accounts sa mga money laundering cases.
Sinabi ng SC PIO na ipinanukala rin ng AMLC Secretariat sa Korte Suprema ang paglikha ng Rule on Criminal Confiscation and Forfeiture.
Iminungkahi rin ng AMLC sa SC ang pagtatalaga ng Special Courts para sa AMLC cases.
Kasama ni Peralta sa pakikipagpulong sa AMLC sina Associate Justices Alexander Gesmundo at Ramon Paul Hernando at Court Administrator Jose Midas Marquez.
Moira Encina