Mga opisyal ng Bucor na may kinalaman sa pagpaptupad ng GCTA, pinagrereport ni Pangulong Duterte sa Office of the President at kay Justice Menardo Guevarra
Bagamat hindi sinuspendi inobliga naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Bureau of Corrections na may kinalaman sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance o GCTA law na magreport sa Office of the President at kay Justice Secretary Menardo Guevarra.
Ayon sa Pangulo hinihiling niya sa Office of the Ombudsman na inbestigshan ang mga Bucor officials na may kinalaman sa pagpapatupad ng GCTA law.
Sinabi ng Pangulo na may hinala siya na nagkaroon ng katiwalian sa pagpapatupad ng GCTA law kaya napalaya ang mga nakakulong na sangkot sa karumaldumal na krimen.
Niliwanag ng Pangulo na hindi niya palalagpasin ang mga opisyal ng Bucor na sangkot sa anomalya sa pagpapatupad ng GCTA law.
Ulat ni Vic Somintac