Mga opisyal ng DA at ilang negosyante, kakasuhan ng DOJ sa korte kaugnay sa onion smuggling
Nakitaan ng DOJ ng malakas na mga ebidensya para kasuhan sa korte ang ilang opisyal ng Department of Agriculture at mga negosyante kaugnay sa onion smuggling.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, kasama sa mga opisyal na sasampahan ng kaso sa korte sina suspended DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, Bureau of Plant Industry OIC Glenn Panganiban at Agribusiness and Marketing Assistance Service OIC Junibert de Sagun.
Ang mga nasabing opisyal ay kakasuhan ng mga paglabag sa Anti Graft Law at Revised Administrative Code sa hukuman at Office of the Ombudsman.
“Mga kaso laban sa DA officials
- section 3(e) RA 3019 causing any undue injury to any party
- section 46 chapter 47 book v revised administrative code inefficiency and incompetence in the performance of official duties”
Mga kasong hoarding, profiteering, falsification of private documents and use of falsified documents naman ang ikakaso laban sa mga opisyal ng Bonena Multipurpose Cooperative na sina Israel Reguyal, Mary Ann Dela Rosa, at Victor Dela Rosa Jimenez.
“Mga kaso laban sa Bonena Multipurpose Cooperative
- Hoarding
- Profiteering
- Falsification of private documents and use of falsified documents
Sinabi naman ni Remulla na tuluy-tuloy ang kanilang imbestigasyon sa isyu ng smuggling kaya madaragdagan pa ang mga makakasuhan.
Tiniyak pa ng kalihim na malakas at marami ang mga ebidensya na hawak ng DOJ laban sa respondents kaya kampante sila na isampa ito sa korte.
“Ang ibig sabihin yan prima facie na evidence na ang hinahanp natin hindi lang probable cause which is a higher standard that’s why we may be a little slower but surer of what we’re doing of how we will prosecute these cases thousand of records affidavits real evidence marami po mga resibo at lahat ng testimonya evidence marami” pahayag pa ni Remulla
Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng preliminary investigation ang DOJ prosecutors.
Sa oras na ito ay matapos ay saka isasampa ang kaso sa korte.
Moira Encina