Mga opisyal ng Department of Agriculture, ipinatawag ng Senado para magpaliwanag sa isyu ng smuggling
Uungkating muli ng Senado ang talamak pa ring kaso ng smuggling ng mga gulay at iba pang Agricultural products.
Nagpatawag ng pagdinig ang Committee of the Whole ng Senado para busisiin ang isyu ng mga palusot ng mga imported na gulay at iba pang produkto.
Batay ito sa inihaing Senate Resolution No. 922 o pagkalat ng mga smuggled chinese vegetables na pumapatay sa mga lokal na produkto.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nakatanggap siya ng mga bagong impormasyon mula sa mga magsasaka sa benguet.
Sa nakaraang pagdinig ng Senado nadiskubre na may mga pinapalusot na agricultural products kahit walang importation permit.
Kasama sa mga ipinatawag ng Senado ang mga opisyal ng Department of Agriculture, Bureau of Customs at mga samahan ng mga magsasaka.
Meanne Corvera