Mga opisyal ng DOE at ERC, maaaring kasuhan matapos payagan ang mga power outages
Maaari umanong maharap sa kasong administratibo ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC).
Ito’y dahil sa kapabayaan at kawalan ng aksyon laban sa mga powers producers kaugnay ng mga nangyayaring power interruptions.
Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy na hindi napaparusahan ang mga power producers kaya nagpapatuloy ang nangyayaring brownout.
Sinabi ni Gatchalian na kahit may kapangyarihan ang ERC at DOE na magpataw ng parusa sa mga power producers na hindi susunod sa maintenance schedule hindi ito ginawa ng mga opisyal.
Paulit ulit aniyang nangyayari ang ganitong insidente na itinataon pa tuwing summer kung kailan mataas ang konsumo sa kuryente para may basehan na magtaas ng presyo.
Ulat ni Meanne Corvera