Mga opisyal ng DOE inirekomendang makasuhan
Inirekomenda ng Senate Committee on Energy ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kay Energy Secretary Alfonso Cusi at labing isang opisyal ng Department of Energy.
Ito’y may kaugnayan sa umano’y maanomalyang bentahan ng shares ng malampaya gas project.
Sa Partial Committee Report sinabi ng Chairman ng komite na si Senador Sherwin Gatchalian na kasong paglabag sa graft ang corrupt practices act,gross neglect of duty, at grave misconduct ang ginawa ni Cusi at mga labing isang opisyal nang ibenta ang malampaya gas project sa isang indirect subsidiary ng Udenna corporation na nagkakahalaga ng 40 billion pesos .
Inirekomenda rin nito ang pagbibitiw sa pwesto ng mga opisyal ng DOE dahil kwestiyunable ang pagbebenta dahil ang kumpanya ay may kapital lamang na 6.9 billion pesos.
Hindi rin daw sinunod ng mga opisyal ang Presidential decree no. 87 at Department Circular 2007-04-0003 kung saan kailangang i evaluate muna at aprubahan muna ng gobyerno ang nasabing transaksyon.
Ito rin ang dahilan kaya kalaunan ay binawi ng DOE ang kasunduan .
Meanne Corvera