Mga opisyal ng DOJ pupunta sa Indonesia kaugnay sa pagbalik sa Pilipinas ni Mary Jane Veloso

Lilipad patungo sa Indonesia sa Biyernes sina Justice Secretary Crispin Remulla at Justice Undersecretary Raul Vasquez kaugnay sa paglipat sa kustodiya ng Pilipinas kay Mary Jane Veloso.

Courtesy: DOJ

Sinabi ni Vasquez na inimbitahan ang DOJ ng Ministry of Human Rights and Corrections ng Indonesia para magpulong ng face-to-face ukol sa detalye ng kaso ni Veloso.

Umaasa si Vasquez na ngayong Disyembre ay makabalik na ng bansa si Veloso at walang kondisyon ang paglipat nito sa Pilipinas.

Ayon sa opisyal, bagama’t walang tratado ang Pilipinas at Indonesia sa transfer of sentenced persons, ay obligado ang bansa na sundin ang mapagkakasunduang kondisyon.

Ayon kay Vasquez, “If it could be arranged na pagdating namin andyan e di mas maganda diba. We were surprised na may sulat silang ganyan na gusto nila face-to-face kasi dati embassy natin ang nakikipagnegotiate sa kanila.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *