Mga opisyal ng DOLE, kinastigo ng mga Senador dahil sa kapabayaan sa pagpasok ng mga illegal chinese workers

Kinastigo ng mga Senador ang Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa kapabayaan dahilan kaya nakapasok at nakapagtrabaho sa bansa ang libu-libong Chinese illegal workers.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Labor, lumitaw na umabot sa mahigit 150,000 ang mga Chinese na nagtatrabaho sa bansa partikular sa mga online gambling.

Pero 5o,000 lang sa mga ito ang nag-aplay at nabigyan ng Alien employment permit noong 2016 hanggang 2017.

Ayon kay Labor Committee chairman Joel Villanueva dahil sa kapalpakan ng DOLE at Bureau of Immigration, nakaapekto na ito sa mga manggagawang Pinoy.

Pero sa pagtatanong ni Senador Grace Poe, inamin ng Immigration na nakapagbigay sila ng 119,000 special working permit sa mga Chinese nationals.

Pero ito ay para sa tatlo hanggang anim na buwang pamamalagi sa bansa para sa mga nasa PBA at mga nagko concert.

Pero duda si Poe dahil kahit expire na ang permit ang mga Chinese nationals ay namamalagi pa rin sa bansa at hindi lahat ay konektado sa PBA.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *