Mga opisyal ng IBP at AFP nagpulong para talakayin ang isyu ng lawyer security
Nakipag-pulong ang liderato ng Integrated Bar of the Philippines sa mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon sa IBP, isa sa mga tinalakay sa pagpupulong ng mga opisyal ang isyu ng lawyer security sa harap ng dumaraming insidente ng pagpaslang sa mga abogado.
Nangako ang AFP na magtatalaga ng miyembro nito sa lawyer security panel ng IBP.
Magsasagawa rin ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng marksmanship training para sa mga abogado.
Pumayag din ang AFP na magdaos ng fellowship activity sa pagitan ng IBP chapters at mga sundalo na nakatalaga sa kanilang areas.
Pinagtuunan din sa pulong ng AFP at IBP ang pagbisita muli sa umiiral na mga kasunduan sa pagitan ng dalawa.
Partikular na ang pagkakaloob ng IBP ng legal offensive at defensive remedies at legal services at aid maging sa mga retiradong miyembro ng armed forces.
Moira Encina