Mga opisyal ng LTO at PNP, nasabon sa pagdinig ng Senado
Sinabon ni Senador Richard Gordon ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Land Transportation Office (LTO) sa patuloy na pamamayagpag ng mga riding-in-tandem n dawit sa mga kaso ng pagpatay.
Sa pagdinig ng Blue Ribbon at Committee on Justice, nangangalaiti sa galit si Gordon at sinisi ang mga opisyal sa kabiguang maresolba ang mga kaso ng pagpatay.
Dulot aniya kasi ito ng kapalpakan sa implementasyon ng batas partikular na ang Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Law.
Sa datos na nakuha ng tanggapan ni Gordon sa PNP, mula noong 2010, umabot na sa 36,848 krimen ay kagagawan ng mga riding-in-tandem.
Sa kasong ito, umabot na aniya sa mahigit 8,800 katao ang napapatay na karamihan sa kanila hindi pa nabibigyan ng hustisya.
Sa naturang batas, inaasahan ang LTO na mag-imprenta ng mga bagong plaka at kabitan ng mas malaki at colored na plaka ang mga motorsiklo.
Kung gagawin aniya kasi ito madali nang ma-trace ang mga motorcycle riding-in-tandem na sangkot sa krimen.
Giit naman ng LTO, nakapagproduce na sila ng 1. 2 milyong plaka para sa mga motorsiklo pero may backlog pa silang aabot sa 13. 2 million.
Napag-intitan rin ng Senador ang mga manufacturers at lending company na nagbebenta ng motorsiklo na nagpapataw ng napakalaking intreres.
Bakit aniya hindi sila sinisita ng LTO, DTI o ng BIR ang mga ganitong kumpanya na nagpapataw ng napakataas na interes sa mga bumibili ng motorsiklo na ang mga hindi nakabayad hinahatak.
Paalala niya sa mga opisyal ng gobyerno, dalawang taon na ang batas at hindi tamang hanggang ngayon hindi pa ito naipatutupad.
Meanne Corvera