Mga opisyal ng MWSS, NWRB, Manila water at Maynilad, binigyan ni Pangulong Duterte ng ultimatum sa nangyayaring water shortage sa Metro Manila
Binigyan ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS National Water Regulatory Board o MWRB at water concessionaires na Manila Water at Maynilad.
Ito’y matapos kausapin ng Pangulo at binigyan ng katakot takot na sermon ang natanggap ng mga opisyal na nangangasiwa sa tubig.
Nagbanta ang Pangulo na umayos sila sa kanilang trabaho kung hindi ay tiyak na may kalalagyan ang mga ito.
Ayon sa Pangulo gusto niyang makita ang buong report ng MWSS bago mag Abril a siete hinggil sa lagay ng tubig sa Metro Manila at ano ang nangyari at nakaranas ng kawalan ng suplay ng tubig ang maraming consumers ng Manila Water.
Binigyang diin ng Pangulo na dalawang bagay lamang ang pwede niyang gawin sa oras na matanggap at mabasa ang magiging report ng MWSS.
Una sibakin ang mga opisyal ng MWSS pangalawa kakanselahin nito ang kontrata ng mga water concessionaires.
Ulat ni Vic Somintac