NFA, pinabubuwag ng ilang Senador dahil sa nangyaring krisis sa bigas sa Zamboanga
Isinusulong ng mga Senador ang pagbuwag sa National Food Authority o NFA matapos ang krisis sa bigas sa Zamboanga.
Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs na hindi naman nagagampanan ng maayos ng nfa ang mandato nito na matiyak na may sapat na suplay ng bigas sa merkado.
Senador Gatchalian:
“Isa sa mga problemang nakikita ko kaya kulang ang suplay at mataas ang presyo ng bigas ay iyong operations ng nfa. hindi maayos at hindi nagagampanan ang responsibilidad nito. The NFA has become a liability to the govt after its revenue continue to drop every year.. it was the biggest recipient of subsidies provided to GOCC in June 2018”.
Katunayan, nagiging pabigat pa aniya ang NFA sa gobyerno dahil sa halip na tumaas patuloy pa ang pagbagsak ng kita nito.
Sa datos aniya ng NFA bumagsak pa sa 38 percent ang kita ng nfa noong 2017 na naitala na sa 17.93 billion pesos mula sa 29.3 billion noong 2016.
Ang NFA rin ang pinakamalaking nabibigyan ng subsidy mula sa Government Owned and Controlled Corporations o GOCC na umaabot sa 5.2 billion pesos hanggang noong June 2018.
Iginiit naman ni Senador Francis Pangilinan ang pagsibak sa mga opisyal ng NFA.
Senador Pangilinan:
“I am afraid the rice crisis in Zamboanga City today, is a combination of both corruption and incompetence by top Government officials in cahoots”.
Sabi ni Pangilinan ang krisis sa bigas sa Zamboanga ay kombinasyon ng korapsyon at incompetence ng mga pinuno ng NFA.
Si Davao Congressman Karlo Nograles, paiimbestigahan na sa Kamara bakit sumirit ang presyo ng bigas.
Cong. Nograles:
“Kailangang malaman ang dahilan ng pagsirit ng presyo ng bigas sa zamboanga city, pati na ang posibilida ng pagmamanipula ng mga negosyante sa presyuhan nito”.
Sinabi ni Nograles na kailangang busisiin kung sino ang nagmamanipula ng presyo ng bigas na nagiging dahilan ng pagsirit ng presyo nito.
Hinimok rin ni Nograles ang NFA na ilabas ang anim na libong tonelada ng NFA rice sa Zamboanga city para makatulong sa pagpapababa ng presyo nito sa merkado.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: