Mga opisyal ng Office of Civil Defense, nasermunan sa pagdinig ng Senado
Tutol ang mga opisyal ng Office of Civil Defense (OCD) sa isinusulong na pagpapatayo ng hiwalay na departamento na tutugon sa mga biktima at epekto ng kalamidad sa bansa.
Sa pagdinig ng Senate Defense Committee, iginiit ni OCD Undersecretary Eduardo del Rosario na pareho lang naman ang magiging trabaho ng OCD at ng bubuuing Department of Disaster magement.
Kailangan lang aniya ay bigyan ng ngipin at dagdag na kapangyarihan ang ocd para agad makapagsagawa ng relief operations at makpagbigay ng agarang tulong sa mga biktima ng kalamidad.
Pero buwelta ni Senador Juan Miguel Zubiri, nagkakaproblema sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima dahil sa nangyayaring turuan kung sino ang may kasalanan.
Napatunayan na aniya ito sa nangyaring lindol sa Leyte nang manalasa ang bagyong Yolanda at mabagal na rehabilitasyon sa Marawi city.
Iginiit naman ni Senador Bong Go na dahil ahensya lang ang OCD wala silang sapat na tauhan.
Katinayan ayon kay Senador Go nang magtungo siya sa mga biktima ng lindol sa Mindanao, wala ni isang personnel ang OCD na tumutugon sa pangangailangan ng mga biktima.
Mali naman para kay Senador Panfilo Lacson ang structure ng OCD at masyadong matagal ang pinagdadaanan nilang proseso bago makapagpalabas ng pondo at makareaponde sa mga biktima ng kalamidad.
Ulat ni Meanne Corvera