Mga opisyal ng OPPAP at ARMM nasermunan sa budget hearing

Aprubado na sa Committee level ng Senado ang panukalang budget para sa susunod na taon ng Office of Presidential Adviser on the Peace Process, Autonomous Region in Muslim Mindanao, Mindanao Development Authority at ang Southern Philippines Development Authority.

Pero bago aprubahan ang panukala, inoobliga ni Senador Juan Miguel Zubiri ang OPPAP at ARMM na maglatag ng programa na tutugon sa problema sa edukasyon at development sa Mindanao.

Umaabot sa 7.667 billion ang hinihinging budget ng OPPAP habang 32.39 billion sa ARMM.

Naniniwala si Zubiri na matindi ang problema sa peace and order sa Mindanao dahil sa mabagal na development.

Sa halip aniya na makapag-aral ang karamihan sa mga kabataan, marami sa kanila ang nahihikayat para sumama sa mga pag-aaklas at paggawa ng kriminalidad ng mga teroristang grupo.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *