Mga opisyal ng Phil. Coconut Authority, nasermunan sa Budget hearing
Kinastigo ni Senador Cynthia Villar ang mga opisyal ng Philippine Coconut Authority.
Sa Budget hearing sa Senado, sinabi ni Villar na dapat ginagamit ng ahensya ang pondo sa mga proyektong magpapataas sa kita ng mga magniniyog.
Sinita ng Senador ang PCA dahil ang Pilipinas aniya ang isa sa may pinakamalaking produksyon ng niyog pero kulelat pa rin sa buong mundo.
Sabi ni Villar, nang magtungo siya sa World Fair sa Germany, ang pinakasikat na produkto ay coco water at coco sugar pero wala aniya ni isa sa mga ito ang galing sa Pilipinas.
Nakalulungkot aniya na isa ang Pilipinas sa Coconut producing country pero walang coco water at coco sugar.
Senador Villar:
“Hindi lang naman ‘yon ang gagawin nila sa processing, alam mo no’ng pumunta ako sa abroad, ang pinaka-sikat na product do’n is coco water and coco sugar, nagpunta ako sa germany, do’n sa world trade fair mabiling-mabili do’n ang coco water and coco sugar. and nothing came from the Philippines. Parang naawa ako sa sarili ko na tayo eh one of the biggest coconut producing country in the world, wala tayong coco water and coco sugar eh ‘yon ang click na click sa mundo eh. hindi naman ‘yang — waste coconut husk ‘yan eh”.
Meanne Corvera