Mga opisyal ng PhilHealth CARAGA inabswelto ng Korte Suprema sa mga halos 50M pisong kwestyonableng allowances at benefits
Inabswelto ng Supreme Court ang mga opisyal at empleyado ng PhilHealth Regional Office CARAGA mula sa pagsasauli ng halos 50 milyong piso na kinukwestyong benefits at allowances na tinanggap ng mga ito.
Sa full court ruling na isinulat ni Associate Justice Noel Tijam, sinabi ng Korte Suprema na nabigo ang Commission on Audit na ipakita na nagkaroon ng bad faith sa panig ng mga approving officers ng PhilHealth CARAGA sa pagpapalabas ng nasabing allowances at benepisyo.
Ang kaso ay nag-ugat sa ipinagkaloob ne benepisyo ng Philhealth CARAGA sa mga opisyal, kawani at kontraktor nito na nagkakahalaga ng 49.87 million pesos.
Kabilang sa mga ito ay ang contractor’s gift,special events gifts, project completion incentive, nominal gift, at birthday gifts.
Pero noong 2009, nag-isyu ang COA ng notice of disallowance dahil sa kawalan ng approval ng mga benepisyo mula sa Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management kaya ito ay irregular at iligal.
Kinatigan naman ng Supreme Court ang PhilHealth CARAGA at sinabing tinanggap ng mga opisyal at empleyado nito ang naturang bonuses sa paniniwalang ito ay ligal.
Ulat ni Moira Encina