Mga opisyal ng PhilHealth inireklamo ng NBI sa Office of the Ombudsman dahil sa mga anomalya sa Interim Reimbursement Mechanism

Pormal nang sinampahan ng reklamo ng NBI sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng PhilHealth dahil sa mga anomalya sa Interim Reimbursement Mechanism o IRM ng korporasyon.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang reklamo ay kaugnay sa mga kwestyonableng paggawad ng cash advances sa ilang health care institutions sa NCR sa ilalim ng IRM ng PhilHealth.

Mga reklamong paglabag sa Anti- Graft and Corrupt Practices Act, National Internal Revenue Code, at malversation of public funds or property ang inihain sa mga respondents.

Pangunahin sa mga inireklamo si dating PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.

Kasama din sa mga ipinagharap ng reklamo sina Executive Vice President at Chief Operating Officer Arnel De Jesus, Senior Vice-Presidents Renato Limsiaco at Israel Francis Pargas, Gregorio Rulloda, Imelda Trinidad De Vera, Lolita Tuliao,
Gemma Sibucao, at Lailani Padua.

Sinabi ni Guevarra na mas marami pang reklamo ang isasampa sa mga susunod na araw laban sa mga tiwaling opisyal at mga kasabwat nito.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Task Force PhilHealth, nabatid na minadali ang pag-release sa IRM fund kahit hindi pa epektibo ang sirkular na nagpapatupad dito.

Wala ring sapat na pamantayan at panuntunan ang IRM bago ito ipatupad kaya prone ito sa mga pag-abuso.

Inilabas din agad ang pondo ng IRM kahit walang mekanismo para ito mamonitor at maliquidate.

Moira Encina

Please follow and like us: