Mga opisyal ng V. Luna Medical Center, sinibak ni Pangulong Duterte dahil sa korapsyon
Tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opsiyal ng AFP Hospital V. Luna Medical center dahil sa korapsyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang mga tinanggal ng Pangulo sa puwesto ay sina Brigadier Genaral Edwin Leo Torrelavega Comanding General ng AFP Health Service Command ng V. Luna Medical Center, Col. Antonio Punzalan, Commanding officer ng V. Luna medical Center Chief Management and Financial office kasama ang 20 iba pa.
Ayon kay Roque, ang pagsibak sa mga opisyal ng V. Luna Medical center ay may kinalaman sa mga ghost delivery ng mga medical equipment na umaabot sa daang milyong piso.
Inihayag ni Roque na galit na galit ang Pangulo sa grupo nina Torrelavega at Punzalan dahil ang pondong inilaan para sa kapakanan ng mga nasusugatang sundalo ay ibinubulsa lamang ng mga corrupt na opisyal.
Ipinag- utos din ng Pangulo kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez ang pagsasailalim sa court martial sa mga sinibak na opisyal ng V. Luna medical center at imbestigasyon ng Military Ombudsman.
Natuklasan ang katiwalian sa V. Luna Medical Center dahil sa inbestigasyon na ginawa ng Presidential Anti- Corrupt Commission.
Ulat ni Vic Somintac