Mga oposisyon sa Senado umalma sa pagpapaaresto laban kay Senador Antonio Trillanes
Pumalag ang oposisyon sa ginawang pagpapaaresto laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Bwelta ni Senador Bam Aquino hindi ang oposisyon ang kalaban at dapat pag initan ng gobyerno.
Dapat humanap aniya ng solusyon ang pamahalaan sa mataas na presyo ng bilihin
Apila ni Aquino dapat nang tigilan ang pananakot at intimidation laban sa mga taga oposisyon gaya ni Trillanes
Kinondena rin ni Senadora Risa Hontiveros ang paglalabas ng arrest warrant laban kay Trillanes
Sinabi ni Hontiveros isa itong malaking blackeye sa demokrasya at rule of law.
Paglilinaw naman ni Senate Seargent at Arms Retired General Jose Baljadia nasunod ang mga protocol sa pag aresto kay Trillanes
Katunayan, idinaan muna ang warrant sa tanggapan ni Senate President Vicente Sotto bago ibinigay kay Trillanes.
Ulat ni Meanne Corvera