Mga paaralan, malaki ang maitutulong para labanan ang obesity at overweight ayon sa mga eksperto
Sa buong mundo, isa sa bawat sampung lalaki ay obese at pito naman sa mga babae.
Batay ito sa pag aaral ng Anaysis of Global Trends in Body Mass Index o B.M.I.
Para makalkula ng tao kung ano ang kanyang B.M.I, kailangang i divide ang timbang in kilogram sa kanyang height in meters squared.
Ang B.M.I na lagpas sa 25 ay overweight, lagpas naman sa 30 ay obese at lagpas sa 40 ay morbidly obese.
Kaugnay nito, naniniwala ang mga health expert na malaki ang maitutulong ng mga paaralan upang labanan ang obesity na tunay na mapanganib sa kalusugan.
Mahalaga na maipatupad sa mga kantin ng mga paaralan ang DEPED order na pagbabawal ng pagtitinda sa mga paaralan softdrinks o anumang sugary beverages, upang maiwasan ang pagiging obese at overweight ng bata.
Bukod dito, mainam din kung ang paaralan ay may sapat na espasyo upang makapag ehersisyo ang bata, dahil sa kasalukuyan, mas matagal ang oras ng bata sa harap ng computer na nakaupo lamang.
Ilan ito sa mga sanhi ng pagiging obese ng bata.
Ulat ni: Anabelle Surara