Mga paaralan sa Q.C patuloy na tatanggap ng mga estudyante mula sa Marawi City

download
courtesy of wikipedia.org

Patuloy na tatanggap ang mga paaralan sa Quezon City ng mga estudyanteng mula sa Marawi City.

Sa panayam ng Liwanagin Natin sinabi ni Nimfa Gabertan Education Program Supervisor ng DEPED sa Q.C , bukod sa tatanggapin sa paaralan ay nakahanda rin aniya ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na magkaloob ng mga kinakailangang school supplies ng mga estudyanteng galing ng Marawi.

Aniya sa ngayon ay mayroon nang walumput pitong estudyante na nag-enroll sa ibat ibang paaralan sa Quezon City na posibleng maragdagan pa sa mga susunod na araw.

Dagdag pa ni Gabertan , may mga paaralan din sa Quezon City na may mga guro na may kakayahang magturo gamit ang lenggwahe ng Muslim kaya hindi dapat mabahala ang mga estudyante ng Marawi na lumipat sa mga paaralan sa Quezon City para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *