Mga pag-ulan, asahan sa Silangang bahagi ng Mindanao dahil sa trough ng LPA
Apektado ng trough ng Low Pressure Area ang Silangang bahagi ng Mindanao.
Dahil dito, ayon sa Pag-Asa, magiging maulap ang paapwirin sa bahaging iyon ng bansa at mataas ang tsansa ng mga pag-ulan.
Pinapayuhan ang mga residente ng ibayong pag-iingat at manatiling nakaalerto.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,960 kilometers East ng Mindanao.
Magiging mabagal ang pagkilos ng LPA sa mga susunod na araw pero may posibilidad na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility at madevelop bilang isang bagyo.
Samantala, Easterlies naman ang nakaaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa kaya maalinsangan at mainit na hangin ang asahan lalu na sa tanghali at hapon.
Mababa rin ang tsansa ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
Ngayong araw inaasahang maglalaro sa 24 hanggang 33 degree celsius ang temperatura sa Metro Manila.