Mga pagkaing tinatawag na “putok batok” may dulot din na benepisyo ayon sa eksperto
Binansagang putok batok ang chicharon baboy, chicharong bituka, chicharong balat ng manok at chicharong bulaklak.
Ang mga nabanggit ay paboritong kainin ng mga Pilipino lalo na sa mga handaan. hindi ito nawawala.
Ayon sa mga eksperto, binansagang putok batok ang mga naturang mga pagkain dahil sa mataas ang kolesterol ng mga ito.
Ngunit, batay pa rin sa mga eksperto, mayroon ding vitamins at minerals ang mga nabanggit na chicharon na nakatutulong sa katawan.
Ang taglay na fat o taba ng chicharon ay pinagkukunan ng enerhiya na kailangan din ng katawan.
May protina din itong taglay ang chicharon at walang carbohydrates.
Bukod dito, taglay din ng chicharon ang nutrients halimbawa ay phosporous na kaagapay ng calcium na tumutulong sa mineralization ng mga buto at ngipin.
Taglay din ng chicharon ang pakonting konting iron na tumutulong para sa normal at healthy development ng red blood cells at hemoglabin na karaniwang nagbibigay ng oxygen sa ibat’ ibang bahagi ng organs ng ating katawan.
Ang may pinakamataas na protina ay ang chicharong bituka at ang may pinakamataas na fat content ay chicharon bulaklak.
Kung kaya dalawang pirasong kasinglaki ng kaha ng posporo lang ang dapat na kainin upang maiwasan ang mga sakit na idudulot na labis ng pagkain ng sagana sa taba na taglay ng chicharon bulaklak tulad ng sakit sa puso.
Ulat ni: Anabelle Surara