Mga palaro sa SEA games, libre nang mapapanuod – Phisgoc
Libre nang makakapanuod ng mga laro sa 30th Southeast Asian games ang mga Pinoy na magsisimula bukas, November 30 hanggang December 11, 2019.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, chairman ng Philippine Southeast Asian Games organizing committee (Phisgoc), nagpasya ang komite na gawing libre ang panonood ng mga laro batay na rin sa utos ni Pangulong Duterte.
Pero ayon kay Cayetano, may mga larong hindi maaaring mapanuod gaya ng Basketball, Volleyball at Football kung saan maglalaro ang mga atletang Pinoy dahil fully-booked na ang mga tickets.
Mahigit sa 10,000 tickets rin aniya ang ipapamahagi sa mga Local Government units na magho-host ng Sea games para mapanuod ng libre ang Closing ceremony sa New Clark city.
Mamamahagi rin ng tickets sa mga Unibersidad para sa mga estudyante.
First come, first served ang pagbibigay ng ticket sa mga nais makapanuod.
Maaaring pumila sa mga Ticketnet pero wala ng babayaran o kaya ay magtungo sa mga LGU’s.
Nilinaw naman ni Cayetano na hindi na ire-refund ang nagastos ng mga nauna nang nakabili ng tickets.
Tiniyak naman ng Phisgoc na magiging maganda ang Opening ng Sea games sa Philippine Arena at magiging proud ang mga Pinoy.
Nagpasalamat si Cayetano na gagawin ito sa Philippine Arena dahil sa inaasahang pagpasok ng malakas na bagyong Tisoy.
May nakahanda rin aniya silang conitngency plan sakaling ulanin ang mga outside sports.
Ulat ni Meanne Corvera
@@@