Mga pamamaraan upang mapangalagaan ang mga mata at maiiwas sa pagkabulag

Simula 1980 ay ginugunita na bilang Sight -saving month ang buwan ng Agosto batay sa Proclamation No. 40.

Ang mga aktibidad ay pinangungunahan ng Department of Health o DOH katuwang ang iba’t-ibang partner agencies upang bigyang diin sa publiko ang kahalagahan ng pag-iingat sa mga mata at ito ay mapangangalagaan sa pamamagitan ng mga angkop na pamamaraan.

Dr. Allanjun Lusung, Optometrist:

“Una po sa lahat, kailangan na magtiwala tayo sa mga duktor natin at hanapin natin ung mapagkakatiwalaan nating duktor sa mata, huwag kayong basta basta magpapagawa ng salamin kung kani kanino lalong lalo na sa mga nag iikot, sa mga hindi lisensyadong tao, kasi kailangan po, pagdating sa kalusugan sigurado po tayo, hindi rin po tama na magself medicate po tayo, lalo na ung pampatak sa mata, kasi delikado po un, huwag din tayong bumibili ng salamin tulad nung sa bangketa, kasi hindi po naman ito isinukat sa atin”

Payo naman ng DOH, kumain ng pagkaing makapagpapalusog  sa mga mata,  gaya ng mga  mabeber­­deng gulay tulad ng kangkong, broccoli, camote tops (talbos) at spinach.

Ang mga nabanggit ay  nagpapalinaw ng paningin.

May tatlong “T”  at tatlong “K” din na dapat kinakain sapagkat ito may malaking maitutulong upang maging malinaw ang mga mata.

Kabilang sa tatlong T ay tuna, tamban at tanige habang ang tatlong K naman ay karot, kalabas at kamatis.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *