Mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa Calabarzon, umabot sa mahigit 27,000 – DSWD Reg. 4a

Umabot sa mahigit 27 thousand families out of 827 barangay sa Calabarzon o region 4a ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong ulysses sa bansa. 


Ayon sa DSWD reg. 4a, nasa 25,009 ang bilang ng mga pamilyang nailikas ng mga opisyal ng LGU’s sa may 1,060 Evacuation Centers na inihanda ng mga Local Chief Executives sa buong region 4a para matulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad.


Aabot naman sa mahigit six million pesos worth of food items kasama na ang mga relief goods, at nasa mahigit 5 million pesos worth of non food items naman ang naipamahagi at nai-distribute na ng ahensya sa mga apektadong pamilya. 


Ayon pa sa DSWD may natitira pa silang three million pesos na standby fund para sa relief and recovery operation sa buong rehiyon na nasalanta ng nagdaang kalamidad.

Jet Hilario

Datos mula sa DSWD Reg. 4a
Please follow and like us: