Mga pamilyang naapektuhan ng ECQ sa Brgy. Paciano Rizal, Calamba Laguna, nakatanggap na ng Financial Assistance.
Umarangkada na ngayong araw ang pamamahagi ng financial assistance sa mga residente na naapektuhan ng ECQ sa Brgy. Paciano Rizal, Calamba City Laguna.
Isinagawa ang pamamahagi ng ayuda dito sa Paciano Rizal Elementary School.
Nasa 1,996 families naman ang inaasahang mapagkakalooban ng ng Cash Assistance na inilaan ng National govt. para sa mga taga Brgy. Paciano.
Binigyang prayoridad ng city gov’t na mabigyan ng ayuda ang mga nakalista at naging benepisyaryo ng SAP noong nakaraang taon.
Ito ay sa dahilang kulang ang pondo para sa lahat subalit naglaan naman umano ang city gov’t ng budget para makatanggap ng C.A.P o Cash Assistance Program ngang hindi kabilang sa listahan.
Ito ay sa pamamagitan ng Cash Assistance Program ng Lungsod na worth 3,000 pesos.
Sa inilabas na joint memorandum circular ng DBM, DILG AT IATF, ang bawat indibidwal ay makatatanggap ng tig 1,000 pesos na cash at 4,000 pesos para sa isang