Mga pananim na palay sa Kalinga province, winasak ng bagyong Rosita
Bagamat walang naitalang casualties, marami naman sa mga pananim na palay sa probinsiya ng Kalinga ang nasira ng bagyong Rosita.
Ayon kay Governor Jocel Baac, nabuwal ang mga papatubo pa lang na mga palay dahil sa lakas ng hanging dala ng bagyo.
Sa ngayon naibalik na ang suplay ng kuryente sa buong lalawigan na pansamantalang pinutol kahapon dahil sa lakas ng hangin.
Ngayong araw rin inaaasahang makakabalik na sa kanilang mga tahanan ang nasa 241 pamilyang inilikas lalu na ang mga naninirahan malapit sa Chico river.
“Ang mga operation centers natin nakabukas, nandun pa rin yung mga tauhan ng Philippine Army, PNP at Office of the Civil Defense. naka-preposition na rin ang mga equipment ng DPWH”