Mga panibagong reklamo kaugnay ng Dengvaxia vaccination, isinampa sa DOJ ng Public Attorneys Office

Apat na panibagong reklamong may kaugnayan sa Dengue vaccination, ang isinampa ng Public Attorneys Office (PAO) sa Department of Justice (DOJ).

Kasunod ito ng pagbawi ng DOJ sa mga kasong isinampa laban kay dating Health Secretary at ngayo’y Congresswoman Janette Garin at dalawang iba pa.

Sinampahan sina Garin ng mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide at mga paglabag sa Anti- Torture law, Consumer Act of the Philippines, at Pharmacy Act dahil sa pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Tumanggi naman na magbigay ng pahayag ang mga abogado mula sa PAO, na nagdala ng kahon-kahong mga reklamo laban kina Garin at iba pang respondents.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *