Mga panukala para AFP Modernization Program suportado ng liderato ng Kamara
Tiniyak ni House Speaker Martin Romuladez na suportado ng liderato ng Kamara de Representates ang lahat ng mga panukalang batas na may kinalaman sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang statement of assurance sa House of Representatives o HOR AFP Fellowship series na ginanap sa Cebu City na dinaluhan ng mga opisyal ng Kamara at Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pangunguna ni AFP Chief of Staff General Andres Centino.
Sinabi ni Romualdez na pinagtibay na sa Kamara ang bicameral report sa panukalang batas na mag-aamyenda sa fixterm ng tour of duty ng AFP Chief of Staff at mga major service commanders.
Ayon kay Romuladez sa bagong batas mananatiling 3-taon ang tour of duty ng AFP Chief of Staff maliban na lang kung putulin ito ng Pangulo ng bansa bilang Commander in Chief.
Samantala, ginawa namang 2-taon ang tour of duty naman ng mga commanding general at flag officer ng Philippine Army (PA), Philippine Air Force (PAF) at Philippine Navy (PN) at ang compulsory retirement age ay ginawang 57- years old mula sa dating 56-years old.
Vic Somintac