Mga panukalang batas na buwisan ang mga plastic bag,tinalakay na ng Senado
Tinalakay na ng Senado ang mga panukalang batas na buwisan ang mga plastic bag.
Sa panukalang batas, papatawan ng 20 pesos ang kada kilo ng locally produced at imported na plastic bag.
Ayon kay Director Laurence Quinonez ng Department of Finance, kung maaprubahan maaaring makakolekta ng 923 million pesos ang gobyerno sa susunod na taon.
Bukod sa makakatulong ang pondo, makakatulong ito sa kalikasan para mabawasan ang basurang plastic.
Inamin naman ng BIR na mahirap mamonitor ang plastic production lalo na ang mga imported dahil dito iminungkahi ni Senador Pia Cayetano ng Ways and Means Committee na pagbayarin na lang ang lahat ng customers na gagamit ng plastic.
Meanne Corvera