Mga partylist na hindi makapaghahain ng Certificate of Nomination and Acceptance, pinaalalahanan ng COMELEC
Pinaalalahanan ng COMELEC ang mga partylist group na bigong makapaghain ng Certificate of Nomination and Acceptance, na puwedeng makansela ang kanilang registration.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, para sa 2025 elections, 160 partylist ang kanilang pinayagang sumali.
Lahat sila ay nabigyan ng notice patungkol dito, pero sa datos ng COMELEC, ang naghain pa lang ng CONCAN sa Manila Hotel ay 87.
Batay aniya sa resolusyon ng poll body, ang partylist na bigong makasali sa 2 magkasunod na halalan ay kakanselahin ang registration.
Nagbabala rin si Garcia sa mga may planong tumakbo sa 2 parehong posisyon, na puwede silang madiskuwalipika dahil sa last 2 days na ng filing ng COC.
Samantala, inaasahan na ng COMELEC ang dagsa ng maghahain ng kandidatura kaya dinagdagan na nila ang mga upuan sa reception area.
Madelyn Villar-Moratillo