Mga pasahero ng MRT, hinimok na gumamit ng TRAZE Contact Tracing App
Hinihikayat ni Metro Rail Transit (MRT-3) Director for Operations Michael Capati ang mga pasahero ng MRT-3 na gamitin sa pagsakay nila ng tren ang TRAZE Contact Tracing App.
Malak aniya ang maitutulong nito sa pagsugpo ng COVID-19.
Ayon kay Capati, ginagawang contactless ng TRAZE ang proseso ng contact tracing at otomatikong nagbibigay-babala sa mga pasahero kung sila ay may nakasalamuha na nagpositibo sa sakit.
Dahil dito, mas mabilis silang makakapag-self-isolate o self-quarantine bilang health and safety protocol at upang maprotektahan din ang kanilang pamilya.
Ang TRAZE ay libreng mado-download sa Google Play, App Store, Samsung App Gallery, at iba pang mobile app stores.
Gumagamit ito ng QR codes upang mai-record ang travel history ng mga pasahero.
Kailangan lamang i-scan ng tatlong beses ang QR codes sa MRT-3, una ay sa sa Entry station, pangalawa ay sa loob ng tren, at pangatlo ay sa Exit station ng pasahero.
Maaaring mag-scan ng QR codes kahit walang internet o mabagal ang internet.
Ginagamit na rin ang TRAZE sa mga pantalan, paliparan, at iba pang establisimyento sa buong bansa.