Mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan, umabot sa mahigit 100,000
Lumobo sa mahigit 100,000 ang mga pasaherong dumagsa sa ibat ibang pantalan sa bansa pagkatapos ng long holiday.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), mula ala-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Lunes ay kabuuang 116, 340 ang mga outbound passengers o mga umalis na pasahero sakay ng barko sa mga pier.
Pinakamarami sa namonitor ay sa mga pantalan sa Western Visayas na mahigit 21,600.
Sumunod sa Central Visayas na nasa mahigit 17,000 habang sa Southern Tagalog ay mahigit 15 libong pasahero.
Umabot naman sa halos 13 libong outbound passengers sa mga pantalan sa Northern Mindanao at mahigit 10 libo naman ang mga dumagsang biyahero sa mga pier sa Southern Visayas at gayundin sa Bicol.
Patuloy naman nasa heightened alert ang buong pwersa ng PCG kahit tapos na ang long holiday.
Ulat ni Moira Encina