Mga pasaherong maaaring makasakay sa mga Public Transport, daragdagan na simula Sept. 14
Simula sa Martes, September 14, itataas na ang ridership o mga pasahero ng maaring sumakay sa mga pampublikong sasakyan.
Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na bawasan ang isang metrong distansya ng mga pasahero.
Ayon kay Transportation secretary Arthur Tugade, sakop nito ang LRT-1, LRT line 2, MRT at ang Philippine National Railways (PNR).
Mula sa kasalukuyang isang metro, gagawin nang .75 at ibababa pa sa .50 meters pagkalipas ng dalawang linggo.
Ginawa aniya ito dahil sa inaasahang pagbabalik sa kanilang mga opisina ng mas maraming mga magagawa at pagbubukas ng mas marami pang mga negosyo.
Gayunman, mahigpit pa ring ipatutupad ang pagsusuot ng faceshield at facemasks sa lahat ng pasahero para maiwasan ang posibleng pang human transmission ng virus.
Meanne Corvera