Mga pasaherong magmumula sa mga bansang hinihinalang may bagong strain ng COVID-19 hindi papayagang pumasok sa PHL
Simula mamayang alas dose ng hatinggabi December 29, hindi na papayagang pumasok sa pilipinas ang mga pasaherong mula sa may dalawampung mga bansang may hinihinalang bagong strain ng COVID- 19.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA batay na rin ito sa desisyon ng inter agency task force for the management of infectious diseases bilang precautionary measure
Ito’y para maiwasan ang pagpasok sa bansa ng sinumang turista o pinoy na posibleng may dala ng second strain ng virus
Kasama sa mga dayuhang bawal pumasok sa bansa ang mga nagmula sa United Kingdom, South Africa, Switzerland, Italy, Denmark, Israel, Hong Kong, Spain, Ireland, Netherlands, Singapore, Lebanon, Japan, Canada, Germany, Sweden, Australia, France, Iceland at South Korea.
Ang mga pasaherong in transit o mga nakapasok na sa bansa bago ang travel ban ay obligadong sumailalim sa 14 days mandatory quarantine sa mga pasilidad na accredited ng OWWA at DOTr kahit pa nagnegatibo sila sa PCR test.
Meanne Corvera