Mga patakarang dapat tandaan sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ)
Narito ang mga patakarang dapat tandaan kaugnay ng muling pagsasailalim sa GCQ ng Metro Manila at mga karatig lalawiggan na ipinalabas ng Malakanyang matapos ang konsultasyon sa mga local chief executives:
- Mass Gatherings ng higit sa sampung (10) katao o 10% ng seating capacity ng lugar ay ipinagbabawal pa rin.
- Bilang pagsunod sa principle of gradual reopening from MECQ to GCQ, mananatiling sarado ang mga establishments para sa personal care at aesthetic procedures and services, gyms, fitness studios at mga pasilidad na pang-sports, testing at tutorial centers, review centers, internet cafes, drive-in cinemas, at pet grooming services.
- Ang mga dine-in restaurants, salons at barber shops at lahat ng mga serbisyo nito, maliban sa full body massages, ay pinahihintulutan. Ipinapaubaya sa mga lokal na pamahalaan na nakakasakop sa nasabing mga establishments, ang pag-tukoy sa kanilang kapasidad.
- Pare-pareho ang pagpapatupad ng curfew hours mula 8 PM hanggang 5 AM ng sumunod na araw, maliban sa mga lokal na pamahalaang kasalukuyang nagpapatupad pa ng localized curfew hours, subalit inaasahang susunod na rin ang mga ito sa curfew hours na 8PM – 5AM.
- Nasa kapasyahan ng pamahalaang lokal ang pagpapatupad ng paggamit ng quarantine pass.
- Para sa motorcycle backriding sa ilalim ng GCQ, hindi na kailangan ang paggamit ng barrier para sa magka-angkas na nakatira sa iisang bahay. Para naman sa magka-angkas na hindi nakatira sa iisang bahay, ay dapat gumamit ng Angkas-Designed Barrier, at ang backrider o angkas ay dapat isang Authorized Person Outside Residence (APOR), samantalang ang driver ay pwedeng hindi isang APOR. Ang gamit na motorsiklo ay dapat privately-owned at not-for-hire at ang driver at backrider ay nakasuot ng face mask at full-face helmets sa lahat ng pagkakataon habang magka-angkas.
- Maliban sa facemask, mandatory para sa lahat ng employers at employees ang pagsusuot ng face shiel, habang nasa workplaces (indoor), pampublikong transportasyon at commercial establishments (depende sa kautusan ng LGU).
Please follow and like us: