Mga Payo ni Inang at Tatang
Hello everyone! Habang nakikipagkwentuhan ako sa inyo ay humihigop ako ng green tea. Napakaraming benepisyo nito at ang pinaka popular para sa mga iniingatan ang kanilang figure at manatiling sexy. Sa totoo lang walang magulang ang nagturo ng mali sa kanilang mga anak. Kung paanong hinangad ng magulang na forever na sana ang mga anak sa kanilang tabi para magabayan. Mapalad ang mga anak na nangatuto dahil naituro ng kanilang mga magulang ang tamang pag-uugali at pakikipagkapwa, higit sa lahat ang pagkatakot sa Panginoong Diyos. Ang pagtanaw ng utang na loob. ‘Yung isang basong tubig na naibigay sa’yo sa panahon ng matinding pagkauhaw ay hindi dapat makalimutan habang ikaw ay nabubuhay. Kung dumating ang pagkakataon nakagawa ng kamalian lalo at maliit lamang ay pagpamanhinan mo na, maalala mo ang isang basong tubig… nauna siyang nakagawa ng kabutihan sa’yo. Ang kasipagan na laging paalala ng aking mga magulang, ang tunay na kasipagan ay instinct o katutubo sa tao. Kapag naglinis ka ng anoman sa inyong bahay gawin ito ng buong dedikasyon ang mga kasuluksulukan at mga ilalim. May pagmamalasakit mong ginagawa sa may nakakakita man o wala. Tandaan na ang isang masipag na babae ay hindi nawawalan ng gagawin. Ang kagandahan ng isang babae ay nababalewala kung hindi masinop sa kanyang kasuotan. Mentras maganda ang isang babae ay mas dapat maingat sa lahat ng anggulo ng kanyang buhay sa pagkilos sa pakikipagusap at hindi namumutawi sa kanyang bibig mga unpleasant word. Mas kahangahanga ang dalagang kulang man sa ganda subalit nagtataglay ng mga tamang pagkilos at pag-uugali. Kapag inutusan hindi ka sumunod, dalawang bagay ito- una, pwedeng magalit ang nag-utos, pwedeng sumama ang loob niya, at ikalawa, Ikaw mismo, magkaron ka ng guilty feeling. Ilang araw na ang nakalipas nagtatalo pa isip mo… na kung sumunod ka lang sana ay “No problem!” both will have peace of mind at pinasaya mo pa ang damdamin ng magulang mo o kung sinoman ang nag-utos sa ‘yo.
Sa pagtrato sa kapwa, anak, hindi ka dapat namimilli ng kinakausap na tao. Dapat nga sana’y mas pinapahalagahan mo silang less fortunate in life. May naalala ako … isang newsboy nagrarasyon ng diyaryo tuwing umaga. Nakiinom siya sa dinadalhan n’ya ng diaryo pawis na pawis sabi nya: ate makiinom po. Ang ibinigay sa kanya ay mainit na kape nasa magandang tasa at platito at pandesal na may keso nakabalot pa sa napkin. Sabi ng newsboy: ate bakit po ganito di naman ako bisita!