Mga pelikulang kabilang sa Metro Manila Film Festival 2021, inanunsyo na
Opisyal nang inanunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang walong official entries para sa 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) na ipalalabas simula sa Disyembre 25.
Matapos ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila at buksan na ang mga sinehan sa limitadong kapasidad, ay mapapanood na nang pisikal ang mga pelikula na nasa line up ng MMFF 2021.
Mismong si MMDA Chairman Benhur Abalos ang nagpasinaya sa pagsisimula ng MMFF 2021.
Narito ang walong entries para sa MMFF 2021:
1. A Hard Day (Viva Films) sa direksyon ni Lawrence Fajardo at pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, John Arcilla, Meg Imperial.
2. Big Night (Cignal Entertainment) sa direksyon ni Jun Robles Lana at pinagbibidahan nina Christian Bables, Eugene Domingo, Janice De Belen, John Arcilla at Ricky Davao.
3. Love At First Stream (Star Cinema) sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina at pinagbibidahan nina Anthony Jennings, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner at Kaori Oinuma.
4. Kun Maupay Man It Panahon (Trans: Whether If The Weather is Fine) (Cinematografica) sa direksyon ni Carlo Francisco Manatad at pinagbibidahan nina Charo Santos, Daniel Padilla at Rans Rifol.
5. Nelia (A & Q Production Films) sa direksyon ni Lester Dimaranan at pinagbibidahan nina Winwyn Marquez, Raymond Bagatsing at Shido Roxas.
6. Huwag Kang Lalabas (Obra Cinema) sa direksyon ni Adolf Alix Jr. at pinagbibidahan nina Beauty Gonzales, Kim Chiu, Aiko Melendez, Jameson Blake at Joaquin Domagoso.
7. The ExorSis (TinCan Productions) sa direksyon ni Fifth Solomon at pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Melai Cantiveros.
8. Huling Ulan sa Tag-araw (Heaven’s Best Entertainment) sa direksyon ni Louie Ignacio at pinagbibidahan nina Ken Chan, Rita Daniela Richard Yap at Lotlot De Leon.