Mga Pilipino hinimok na magkaisa sa harap ng MSU terror incident
Dapat na manatiling nagkakaisa ang mga Pilipino sa harap ng pag-atake ng mga terorista sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.
Ito ang panawagan ni Senate Committee on National Defense at Public Order Vice- Chair Sen. Bong Go kasabay ng pagkondena sa insidente.
Sinabi ni Go na kung papayagan ng mga Pilipino na matakot sa mga katulad na insidente ay mananalo ang terorismo.
Hinimok din ng senador ang publiko na iwasan na magdulot ito ng pagkakawatak-watak sa mga Pilipino.
“The function of terrorism is to terrorize people. If we allow ourselves to be terrorized, terrorists win. As such, we must remain united and should not allow this crime to trigger sectarian hatred and further animosity among Filipino people,” sabi ni Go.
Madelyn Moratillo