Mga Pilipino pinayuhan ng embahada na ipagpaliban ang biyahe sa Israel
Muling nanawagan ang Philippine Embassy sa Tel Aviv, na ipagpaliban muna ang non-essential travel sa Israel.
Sa travel advisory, nakasaad na dapat munang ipagpaliban ‘indefinitely’ ang non-essential o hindi mahalagang biyahe, o hanggang sa maging panatag na ang sitwasyon at seguridad sa Israel.
Partikular na tinukoy ng embahada ang mga biyahe para sa mga pilgrimage at ang biyahe para lamang sa pamamasyal.
Hindi rin hinihikayat ng embahada ang pagbiyahe sa Israel para sa volunteer work.
Binigyang-diin ng embahada na hindi nila pananagutan ang kaligtasan ng mga bibiyahe bilang turista o volunteers sa Israel, o sinumang magtatangka na bumiyahe ay pabababain mula sa kanilang flights.
Para naman sa assistance request, pinayuhan ng embahada ang mga Pinoy na umugnay sa kanila sa pamamagitan ng numerong +972-54-1188 o mag-email [email protected])