Mga pinasok na kontrata ni SAP Bong Go, pinaiimbestigahan ni Senador Trillanes

Pinaiimbestigahan na ni Senador Antonio Trillanes sa Senado ang multi- bilyong pisong Public Works contracts na pinasok umano sa gobyerno ni Special Assistant to the President Bong Go.

Ayon kay Trillanes, ang contruction projects ay nai-award umano sa kumpanyang aari ng tatay at half brother ni Bong Go.

Nakabatay ito sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism, umaabot sa 24.5 billion pesos ang mga contruction project na nakuha sa DPWH ng CLTG builders at Alfredo construction supply na pag-aari ng ama ni Bong Go na si Deciderio at half brother na si Alfredo.

Ayon kay Trillanes, malinaw aniya itong isang uri ng korapsyon sa gobyerno.

Paglilinaw ni Trillanes hindi ito paghihiganti laban sa Pangulo katunayang handapa niyang paimbestigahan ang iba pang anomalya sa gobyerno kasama ang ibinunyag na kontratang pinasok naman ni Solicitor General Jose Calida.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *