Mga pinoy maaari nang magtungo sa Rwanda kahit walang visa .
Visa-free na ang mga filipino na nais magtungo sa Rwanda.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), maaaring manatili ang mga pinoy sa nasabing central African country ng hanggang siyamnapung (90) araw, epektibo noon pang Nobyembre 2017.
Ito ay aprubado ng Ministry of Foreign Affairs, cooperation and east african community ng Rwanda.
Samantala, maaari ring bumisita sa Pilipinas ang mga Rwandan national ng walang visa at mananatili ng hindi lalagpas ng tatlongpung (30) araw, sa kondisyong may maipakikita itong ticket pabalik ng kanilang bansa o sa susunod nilang destinasyon.
Please follow and like us: