Mga Pinoy na scholars ng Israel nagdonate ng mga learning equipment sa ilang paaralan sa Nueva Ecija
Nagkaloob ang MASHAV Israel scholars ng mga printing materials sa tatlong eskwelahan sa Nueva Ecija.
Ang MASHAV ay ang Agency for International Development Cooperation ng Israel.
Kabilang sa binigyan ng Shalom Club Philippines, Inc. – Nueva Ecija Chapter ng learning equipment ang Alberto G. Bautista Elementary School, Maringalo Elementary School, at Puncan Elementary School.
Shalom Club Members and Maringalo Elementary School in Talugtug, Nueva Ecija
Nagdonate din ang MASHAV sa pamamagitan ng Israel embassy ng mga printers at mga karagdagang papel sa mga paaralan.
Ang mga ito ay bilang suporta sa distance learning ngayong pandemya.
Shalom Club Members and Maringalo Elementary School in Talugtug, Nueva Ecija
Ang Shalom Club ay international organization ng mga professionals na nakatanggap ng MASHAV scholarship training sa Israel.
Una na ring nagdonate ang Israel sa DepEd ng mga learning equipment para sa online class ngayong may krisis.
Moira Encina