Mga Pinoy na walang trabaho , bumaba ayon sa PSA
Bumaba na ang bilang ng mga pinoy na walang trabaho nitong Enero ngayong taon.
Sa report ni USEC Dennis Mapa ng Philippine Statistic Authority, sinabi nito na aabot na lang sa 2.93 million ang bilang ng unemployed o katumbas ng 6.4 percent.
Bumaba ang datos sa kabila ng mga restriction dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant.
Mas mababa ito ng mahigit 340,000 sa 3.27 million na unemployment rate noong December 2021.
Ilan lamang sa sektor na bumaba ang unemployment ay ang
- Agriculture at Forestry
2. Wholesale at Retail trade
3. Fisheries at Aquaculture
4. Human health at Social work
5. Real estate activities
Nakatulong aniya ang pagluluwag ng mga quarantine restrictions at dumami ang nagbukas na mga negosyo at marami ang nakapagtrabaho.
Ito na ang naitalang pinakamababang unemployment rate mula nang maitala ang record high na 7.3 million noong april 2020.
Meanne Corvera