Mga Pinoy na walang trabaho, umakyat sa 2.47M noong Pebrero

Tumaas pa ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nitong nakaraang
Pebrero.

Sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 2.47
million ang bilang ng mga walang trabaho noong Pebrero, mas mataas kumpara
sa 2.37 million noong Enero ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, ilan sa mga
industriyang nagbawas ng trabaho ang medical facilities na umabot sa 129,000,
construction activities na nagbawas ng 103,000, mining at quarrying na 60,000,
information and communications na nagtanggal ng 55,000 at manufacturing
industry na aabot sa 38,000.

Press Conference on February 2023 Labor Force Survey

Gayunman, sinabi ni Mapa na unti-unting nakakarekober ang workforce ng
bansa mula sa hagupit ng Pandemya.

Noong Pebrero, nasa 95.2% ang employemt rate ng bansa dahil sa mga
bagong nagbukas na industriya.

Nasa 48.40 million na mga Pinoy naman ang may trabaho noong Pebrero
kumpara sa 47.35 million na naitala sa kaparehong peryodo noong 2022.

Sinabi ni Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic and Development
Authority (NEDA) na mahalagang makita ang malaking kaibahan sa labor force survey
ngayong taon, kumpara noong 2022.


Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *