Mga pinoy pinayuhan ng DFA na iwasan ang non-essential travel sa Tigray region, N. Ethiopia
Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pinoy, na iwasan ang non-essential travel sa Tigray region sa Northern Ethiopia.
Sa inilabas nilang, ay binaggit ng Philippine Embassy ang nagpapatuloy na kaguluhan sa rehiyon, at ang anim na buwan nang state of emergency na idineklara roon.
Ayon sa media reports, lumala ang tensyon sa pagitan ng gobyerno at ng Tigray People’s Liberation, kung saan kapwa inaakusahan ng magkabilang panig ang bawat isa ng paggamit ng pwersa militar.
Pahayag ng DFA, ang mga filipinong nasa Ethiopia, partikular ang mga nakatira sa Tigray region, ay mahigpit na pinapayuhang makipag-ugnayan sa Philippine embassy sa Cairo, sakaling kailanganin ang mandatory evacuation.
Maaari nilang kontakin ang Assistance to Nationals section sa pamamagitan ng Whatsapp (+20) 122 743 64 72 at email address na [email protected]
Liza Flores