Mga Pinoy sa Qatar pinayuhang maging kalmado ng embahada

Pinayuhan na ng embahada ng Pilipinas sa Qatar ang mga pinoy doon na maging kalmado at masusing i-monitor ang sitwasyon.

Sa harap ito ng nagaganap na diplomatic crisis sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Philippine Ambassador Alan Timbayan, masusi na nilang minomonitor lalo na ang sitwasyon ng mga pinoy worker.

Sa tala ng embahada, aabot sa mahigit 250 thousand ang pinoy na nagta-trabaho sa Qatar.

Sakaling lumala ang sitwasyon, ang mga Pinoy  ay maaring tumawag sa trunkline na +974, 4483 1585 o sa kanilang hotline na +974666303.

Maari ring makipag-uganayan sa official facebook account ng embahada na www.facebook.com/DohaPhilEmassy.

Tiniyak naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na may nakalatag na contingency measure para sa mga pinoy na maaring maapektuhan ng krisis.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *