Mga Piskal na nagbasura sa kaso laban sa mga bigtime Drug lords, handang harapin ang imbestigasyon

Nagsalita na rin ang mga miyembro ng DOJ Panel of Prosecutors na nagbasura   sa Drug case nina Peter Lim at Kerwin Espinosa.

Ito ay kasunod ng mga pagbatikos at pagkagalit mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang resolusyon na i-abswelto ang mga itinuturing na bigtime Drug lords.

Ayon kina Assistant State prosecutor Michael John Humarang at dating ASP at ngayo’y Lucena RTC Judge Aristotle Reyes, handa nilang harapin ang imebstigasyon sa kanila ng NBI para malinis din ang kanilang pangalan.

Iginiit pa ni Humarang na malinis ang kanilang konsensya sa naging desisyon nila na ibasura ang reklamong illegal drug trading laban sa mga respondents.

Nanindigan sina Reyes at Humarang na kulang ang ebidensya na ipinrisinta ng complainant na PNP-CIDG.

Paliwanag pa ng mga piskal nag-rely lamang ang CIDG sa testimonya ng nag-iisa nitong testigo na si Marcelo Adorco.

Dagdag pa ni Reyes, inconsistent at pawang hearsay lamang karamihan ang  mga testimonya ni Adorco.

Hindi rin aniya maaaring tanggapin ng Panel bilang ebidensya ang mga testimonya ni Adorco dahil uncorroborated ito o hindi suportado ng ebidensya at isa itong self-confessed conspirator.

Ipinunto pa ni Reyes na hindi isinumite ng CIDG sa kanila ang naging confession ni Espinosa sa pagdinig noon ng Senado.

Una nang iniutos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa NBI na imbestigahan ang posibleng pananagutan o pagkakasala ng mga piskal na humawak sa Drug case nina Espinosa, Lim at iba pang respondents.

 

Ulat ni Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *